Last night tragedy test my emotional and mental capability when it comes to danger. Grabe. Hindi talaga ako makatulog sa sobrang tense, kaba. I feel like breaking down. Pero hindi pwede. My bro was depending on me. Eventhough umiiyak na ko, pero hindi naman hagulgol noh! Yung pinsan ko,”Wag kang umiyak. Bakit ka naiyak?”. Lam mu un feeling na, sana himatayin ka na lang para hindi mo na alam yung mga nangyayari sa paligid mo. That’s the feeling na ayoko nang maulit sa tanang ng buhay ko.
Guess nalilito kayo kung bakit. Anu bang nangyari.
Last night, brown out sa compound namin. Due to excessive and extreme rain fall siguro. Meralco decided to turn off the electricity dahil nakidlat and nakulog pa. syempre, kandila fever kami. Nagsimula ung brown out ng 4 or 5 pm. Dahil nanunuod pa ko ng The Buzz tapos biglang black out. Dahil takot ako sa dilim, hindi ako tumayo sa pagkakahiga ko sa sofa namin. Tapos, nakatulog na ko. Nagising ako ng 8 pm dahil siguro nakakaramdam na ko ng gutom and at the same time ng lamig. So I’ve decided na tumayo na and maliwanag naman ang paligid dahil sa nagkalat ang mga kandila na kala mo may honeymoon sa bahay namin. Kumain ako. Hindi ko alam kung nasan ang nanay ko dahil paalis alis siya. Yung papa ko, nasa taas ng bahay namin dahil dun malamig. Pagkatapos ko kumain, humiga ulit ako. Baka sakaling makatulog ako, hindi ko na maalintana ang kainitan at kalamukan ng paligid. Nang hindi ko nasatisfy ang luho ng sarili ko, pumasok ako sa kwarto namin. Hinanap ang portable dvd. Sakto may charge. Naghanap ng mapapanuod, yun.. The Little Mermaid II. Ayos, hindi ko pa to napapanuod. Nanuod ako ng dvd ng mga 15 minutes dahil nalowbat na siya. Kaya no choice kundi mahiga na lang at maghintay ng ilaw. Humiga ako katabi ang kapatid kong bunso. Maya maya hindi ako mapakali. Lumabas ako, nakain palang sila mama tsaka papa. Nakipagkwentuhan muna ako.
Eto na. Sumigaw na si Ate Lea, “SUNOG SUNOG!” hala. Nung una hindi ko pa naabsorb. Sumilip ako sa likod ng bahay namin, nasusunog yung bahay nila daddy. Sobrang laki ng apoy. Buong bahay na yung nilalamon ng apoy. Sa sobrang panic ko, hindi ko natawag yung kapatid ko na nasa kwarto na katabing katabi lang ng nasusunog na bahay, nakuha ko pa ngang magtsinelas dahil sabi ng mama ko, lumabas daw kami. Ang hindi ko maintindihan, maleta ni papa ang pinadala saken. Naisip ko, wala akong damit na dala. Yung cellphone ko nasa loob. Tawagan ko si musni. Wala akong pera. Nakalabas ako ng bahay na puro pasa yung katawan ko. Puro bounce ang natamo ko palabas dahil yung mga nagpapatay ng apoy, walang awa akong binubunggo. Tinatawag ko yung kapatid ko dahil alam ko na nasa labas na siya. Nakarating kami ng labasan, wala pala siyang tsinelas. Ang nasabi niya lang saken, “ate, ang sakit ng paa ko. Wala akong tsinelas.” Binigay ko yung tsinelas ko sa kanya. Grabe. Kung makikita ninyo ko nung moment na yun. Hindi niyo maiisip na ako si Lara. Ang dumi dumi ng damit ko. Amoy kanal ako dahil bago kami makalabas ng kapatid ko sa labasan ay mga 10 balde na may laman na tubig kanal ang pinanligo ko. Instant ligo naman e. Aminin ko sa inyo, umiiyak the whole time. Nararamdaman ko yung nginig ng kapatid ko sa sobrang takot. Nararamdaman ko yung hikbi ng kapatid ko sa sobrang pinipigil yung iyak niya. Wala akong lakas nung mga oras na yun. Feeling ko, mahihimatay na ko. Dala ko pa yung pinsan kong 2 years old dahil nasa loob pa ng bahay nila yung kapatid niyang natutulog. Hindi makuha ng nanay niya dahil natataranta rin. Ilang sandali lang, sinabi saken ng kapit bahay namin na, umuwi na nga daw kami dahil patay na yung apoy. Isipin ninyo ako, may dalang maleta. May bitbit na bata. at nakapaa. Basang basa. At sobrang dumi. Grabe. Baka ampunin ninyo ko sa sobrang awa. Pagkabalik ko sa bahay, may narinig ako, “si lara? Nasan si lara?” hindi ko na sabihin kung sino. Pero, natouch ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero napaisip ako bigla. Pagkakita niya saken, binuhat niya agad yung maletang dala ko. Sabi niya, “Doon tayo. Bat wala kang tsinelas? Kumuha ka ng tsinelas dun.” Sabi ko nalang sa kanya, “Ayos lang ako. Asus tsinelas lang e.” May sakit siya nun. Lumabas siya ng bahay kasi akala niya samen bahay yung nasusunog. Natakot daw siya bigla baka masunog ako. Lokoloko. Thank you ha. Salamat talaga.
Hay. Madami akong narealize dun sa nangyari na yun. Nakita ko kung paano ka-caring ang mga kapitbahay ko. Dahil simula pa lang nung apoy, kanya kanyang balde agad yung bitbit nila. At dahil malaking bahay yung nasusunog, ginawa nilang park yung bubong namin. Kung maglakad sila kala mo, hindi bubungan yung tinatakbuhan nila. Hindi na nila inintindi yung mga gamit nila, basta ang mahalaga.. mapatay nila yung apoy.
Kaya. Proud ako na dito ako nakatira.