Thursday, July 31, 2008

few announcements.

ui .. c:

wala na akong fs.
kaya u can reach me here!

piecesoflara.blogspot.com

may tagboard naman dyan kaya dun nalang kau magmessage! c:

pasensya na. MAARTE ako e.
ADS ko yan! :)
the reason na binura ko yung fs ko is super PERSONAL. since public blog to, i can't spill it here. (oil spill ito.) il share nalang some other time! hihihihi.. ayos na un! kaya from now on, i have only a multiply account and a blogger account. bongga! wala na kong fs since medyo nakakatamad na siya! ayun. yun lang! and nothing else.



Tuesday, July 29, 2008

reminisce.

hahaha! sabi na muni muni to e! i am actually listening to their songs at the moment, entitled "world of our own". ang popogi nila!! kanina nanunuod ako ng concert nila sa dvd.. hindi naman halatang hook na hook ako diba? hahah! hindi nga. actually, bumalik na naman ang natatanging paghanga ko sa kanila. POGI!

at dahil muni muni din lang naman ang labanan.. e ishare ko na din sa inyo ang mga tagong tagong pictures ko nung napacute na bata pa ko :)


dito ko narealize na ayaw ko na ulit magsuot ng raffles. dahil natatakpan nito ang napakalaki kong ulo. hahah! cute ko noh?? YES I KNOW.

sana naubos naman ang mga salitang pwede ninyong ipintas sa post kong ito. MGA WALANGYA!


Saturday, July 26, 2008

poll result.

due to excessive public demand, PERSONAL LIFE daw ang topic today. pano ko ba sisimulan..

personally, hindi ako talaga madaldal. outlet ko lang tong blog sa mga unsaid feelings and emotions. minsan kasi kahit gaano mo siya ka-gusto sabihin, may naghoholdback pa rin sayo diba. ganun ung feeling ko lagi. kahit gusto kong magsalita, hindi pa rin kaya. hindi naman siguro sa taong sasabihan ko, pero kasi pag ako nagsabi sayo.. be proud if it! kasi matagal kong pinagisipan kung sasabihin ko ba talaga sasabihin sayo un! so ayun nga. (ate gila kaw ba yan?)

pano pa bang personal ang sasabihin ko?

sa totoong buhay, masama talaga ang ugali ko. masama in a way, na pag may pagkain ako at gustong gusto ko yung pagkain ko, hindi kita bibigyan kahit sino ka pa. masama in a way, na pag ayaw ko sayo, papakisamahan pa rin kita pero bitter na din. masama in a way, na pag hindi ko gusto yung ugali mo, hindi mo rin magugustuhan ugali ko sayo.

pero mabait din naman ako, feeling ko nga mas mabait ako kaysa sa masama ang ugali ko ;) i don't want to elaborate more kasi baka maging angel ako neto sa sobrang good.

personal everyday life?

tamad akong pumasok. lalo na ngayon na halos puro tanghali ang klase namin. sooooobrang tamad ako pumasok. ang nanay ko ang piping saksi sa katamaran ko.

i drink 2 bottles of mineral water every morning. hindi ako naghihilamos pagkagising ko. sa pc agad ako pupunta. pagkatapos nun, hihilata. manunuod ng wowowee. mag-aalangan kung papasok pa ba o hindi na. pag nakapagdecide na tsaka pa lang kikilos.

jergens ang sabon ko at pantene ang shampoo ko, palmolive ang conditioner ko. hindi ako naglolotion. hindi din ako nagdeodorant. chichi sapil ang pabango ko. careline ang concealer ko, galing kay kat ang blush on ko (ewan ko kung san niya nakuha yun. galing pa daw ng probinsya). avon ultra mositure rich na kulay pink icing ang lipgloss ko. avon na kulay brown ang bonggang bongga kong eyeliner. enchateur ang pulbo ko.

ang bag ko sa school ay sponsor ng secosana. ang wallet ko ay nakuha ko lang sa drawer ng nanay ko. ang notebook ko ay binder ng stradmore. ang sapatos ko sa school ay mario d boro. hindi ako nagmemedyas o nag-foot cover.. naiinitan kasi ako.

sa bahay namin, ang trabaho ko lang ay magcomputer. gumawa ng assignment ng uber tamad at mabaho kong kapatid na lalaki. maghugas ng pinggan na minsan ko lang gawin. magwalis ng kusang loob. at manuod ng el cuerpo. ang sumobra pa dun.. baka may topak ako kaya ko ginawa un.

sa friends.. hindi ako ganung kakulit. hindi din naman ako ganung katahimik. SAKTO LANG. soooobrang minsan lang ako manlibre. pag alam kong may pamasahe ako pauwi at panload, lilibre kita. pero pag wala, lumuha ka man ng asin, hindi talaga kita ililibre. pag masama loob ko sayo, hindi talaga kita papansinin or either babarahin kita o sasabihan kitang, "lumayo ka nga saken, wala akong mood sau." natawa tuloy ako. ganun. pag naman alam kong may kasalanan ako sau, uutuin kita hangga't kaya ko pero pag ayaw mong magpa-uto tsaka palang ako magsorry. hahah! pag may kasalanan ka naman saken, hahah.. madali lang naman akong magpatawad. libre mo lang ako, ayos na saken un.. na may halong pahirap ng mga 4 na oras na pagmumukang tanga. joke lang naman.

anu pa.. pag may kaaway naman ako, ewan ko lang. hindi ko kilala sarili ko pag may kaaway. ang feeling ko lagi gusto wasakin buhay niya. hahah! mahaba naman pasensya ko, so.. sobrang dalang akong magka-kaaway at sobrang sama ng ugali niya, or sobrang sama ng ginawa niya saken if ever abot hanggang inner core kaya. SOBRANG MINSAN lang.

if hindi kayo kuntento sa mga pinagsasabi ko, COMMENT KAU! pede naman e.. diba.. heheh..

Wednesday, July 23, 2008

new knowledge.

i sum up all the facts na nahagilap ko these past few days. hahaha. medyo alangan lang ako sa kanila kung maniniwala ako dahil barbero ang nagsabi sa akin neto. hahaha! sama neto. pero kahit naguguluhan ako sa mga ito ay ilalagay ko pa rin. malay ko bang tested and proven niyo na at kayo pa ang mag-convince sa akin na totoo pala! hahaha. nice..

paalala: basahin mabuti. pilipino tayo kaya, pilipino ang tawag sa atin. (ha? labo mo!)

fact number 1. may isang kalaban nuon si mabini na nagkalat na ang sakit niya ay syphilis- sakit na parang STD, mas magandang tawag nga lang. eto ang exact ni chismis galing sa kanya, "alam mo ba yan si pareng nario kaya lumpo yang matandang hukluban na yan, may syphilis yan!" napakasama niya. lolo ko pa naman yun! ginaganun niya. manda saken mga great-great-great grandsons niyan! pero dahil sadyang mapagkumbaba ang lolo ko, he let them be. artista daw kasi siya kaya sanay na siya sa ganyang issue. dati nga, nachismis siya with emilio aguinaldo dahil sa sobrang close nila- dahil chief adviser siya ni aguinaldo. ang taray ng sagot ng lolo ko! "we're just friends." SHOWBIZZ!!

fact number 2. gusto mo bang maging sikat? sa telebisyon. sa radyo. sa pahayagan. sa enternet (anu ba yan nahahawa na ko sa prof ko!) <- internet un! sa poste. sa padampot ng toooooot. meron akong solusyon dyan! BILANGIN ANG MGA BITUIN. sabi ng kapitbahay ng pinsan ng tito ng second cousin ng best friend ng nanay ko, in layman's term.. hindi ko siya kilala. sabi niya nga daw, possible naman daw na bilangin ang stars.. pero.. 3000 years at a rate of one every second bago mo sila mabilang. hahaha! ayos lang yun! sikat ka naman! ASTIG! go girl. or boy. or gay. or whatever.

fact number 3. totoo ba ito? boys thinks about sex every 7 seconds. bilang na bilang talaga noh? hahaha!

fact number 4. hindi ko alam kung nakapunta na yung nagsabi saken nito sa iceland at nalaman niya to, sabi daw niya, sa mga restaurants sa iceland, pag binigyan mo sila ng tip, insulto na sa kanila yun. matampuhin naman sila.

fact number 5. may clinophobia ka ba? ako wala. hehehehe.. clinophobia is a fear of beds. meron bang ganun?! e san ka matutulog sa balde? labo neto.

fact number 6. at dahil tikal ako mag-internet. may nabasa akong short article.

"Bank robber John Dillinger used Ford cars exclusively for his getaway vehicles."

ang taray naman ni manong! haha! ford pa. penge naman! maamo yun, may mga ganun pa si manong, "hindi akow magnenekaw ng bank peg hindi ford ang car ko, you're such a loser." hahaha!

fact number 7. habang naghahanap ako ng digicam, nasurf ko ang history ng KODAK :) ayon sa aking ever reliable source, secret na kung sino siya.. mamaya tanungin mo siya ng tanungin. si george eastman, founder of KODAK, hated having his picture taken.

that's all. putol. tutol. utol.

toodles! :)

reflecting things up.

prelim week namin. haru diyos ko. papasa kaya ako ngayong sem? hahaha. sana naman po! madami ako gustong ikwento e! kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula. tuesday pa lang naman so.. hindi ako pwede magsummary ng week-long happenings ko. pero pwede rin naman e. (dadi: kaw lang e!) heheh. may nag-side comment.

dahil namimiss ko ang ever supportive kong pare, inupload ko yung video namin sa youtube. hahah! ine-exploit kita jea. hehehe. pinaka-uber baba ang vid.

happy anniv kila hermie montillano at carlo palmos!


yay. one year na sila! i can't evaluate any further about sa celebration. exclusively for BS's only. hehehe. joke! dami kasi nangyari. kaya mas masaya kung panuorin niyo na lang yung video. heheh.. (parang lahat na lang may video)

eto na ung video namin ni jhiniena!

Sunday, July 20, 2008

weeeeek!

hay! wala na kong maisip na ipost. wala naman din akong maikwento. wala din akong maishare. anung gagawin ko? hahaha! magmamala-diary na naman ako neto. ok fine.

these week? anu bang nangyari? nung sunday to tuesday, mejo mahina ang pangangatawan ko. ewan ko kung bakit kaya hindi ako nakapasok sa aming unibersidad. 2 araw din un. haha! ayun nga ang nangyari. tapos wednesday, mejo ayos na ko. kaso wala naman kaming pasok! haha! swabe naman. tapos nung thursday, pumasok na ko, mejo namiss ako ng mga BS's kasi dami nilang chikas pagdating ko :) nung friday, napakasarap ng buhay namin dahil instead na whole day kami ay naging isang subject nalang! nagmeeting kasi ang mga lupon ng aming departamento kaya ayun. stuck up ang klase. na nagresume naman ng 530. shet! chem namin yun. may itatanong lang ako, naramdaman niyo na ba ung pagkakataon na kahit anong gawin niyong pakikinig sa propesor niyo ay hindi niyo parin maintindihan yung sinasabi niya?? yung mga tipong "the ionic bonds will collide and then will be gaining another new element that formulate isotopes and ions." gawa gawa ko lang yan. hindi niya talaga sinabi yan. pero seryoso, halos hindi na nga ako kumurap sa mga sinasabi niya pero parang ayaw ng mga brain cells ko na iabsorb ung mga tanginang isotopes and ionic bonds na yan. ako ba may problema o siya? pagkatapos ng madugong pakikipagsapalaran ko sa chem namin ay nagpasalamat ako sa mga nakakataas na hindi pa naman ubos ang dugo ko sa katawan. hindi nman siya nakagawa ng clotting o pamumuo ng dugo sa utak ko at iba pang bahagi. napagkasunduan namin na sumabay sa classmate naming my pimp my ride para naman makatipid kami sa pamasahe. sarrap! pero bago kami umuwi ay nanuod muna kami nung mga COCC sa ROTC namin, tinuturuan kasi sila ng mga manuever. kaya, napagkatuwaan kong manuod. nakakamiss din pala noh. kahit na nung highschool officer ako ng CAT, hindi ko pa rin masasabi na mahirap. masaya kaya! haha. ngayon ko lang naisip yung sinabi ni sir ochie na, "hanap-hanapin niu din ang CAT sa MMGPS." tama!! hahaha.. sarap maging highschool! woooh! tapos umuwi n ko at namahinga! hahaha!

yan lang muna for now. na-guilty lang ako kasi yung last post ko nung tuesday pa. soooo.. bbye.. tooodles!

Tuesday, July 15, 2008

love according to psychology.

Love is any of a number of emotions and experiences related to a sense of strong affection or profound oneness. ineffable feeling of intense and tender attraction shared in passionate or intimate attraction and intimate interpersonal and sexual relationships. Love can also be conceived of as Platonic love,religious love, familial love, and, more casually, great affection for anything considered strongly pleasurable, desirable, or preferred, including activities and foods.
This diverse range of meanings in the singular word love is often contrasted with the plurality of Greek words for love, reflecting the concept's depth, versatility, and complexity.
Psychology depicts love as a cognitive and social phenomenon. Psychologist Robert Sternberg formulated a triangular theory of love and argued that love has three different components: Intimacy, Commitment, and Passion. Intimacy is a form by which two people can share secrets and various details of their personal lives. Intimacy is usually shown in friendships and romantic love affairs. Commitment, on the other hand, is the expectation that the relationship is going to last forever. The last and most common form of love is sexual attraction and passion. Passionate love is shown in infatuation as well as romantic love. This led researchers such as Yela to further refine the model by separating Passion into two independents components: Erotic Passion and Romantic Passion.
People, throughout history, have often considered phenomena such as "love at first sight" or "instant friendships" to be the result of an uncontrollable force of attraction or affinity.One of the first to theorize in this direction was the Greek philosopher Empedocles, who in the 4th century BC argued for the existence of two forces, love (philia) and strife (neikos), which were used to account for the causes of motion in the universe. These two forces were said to intermingle with the classical elements, i.e., earth, water, air, and fire, in such a manner that love served as the binding power linking the various parts of existence harmoniously together.
Later, Plato interpreted Empedocles' two agents as attraction and repulsion, stating that their operation is conceived in an alternate sequence. From these arguments, Plato originated the concept of "likes attract", e.g., earth is attracted to earth, water to water, and fire to fire. In modern terms this is often phrased in terms of "birds of a feather flock together".
Bertrand Russell describes love as a condition of "absolute value", as opposed to relative value. Thomas Jay Oord defines love as acting intentionally, in sympathetic response to others (including God), to promote overall well-being. Oord means for his definition to be adequate for religion, philosophy, and the sciences. Robert Anson Heinlein, one of the most prolific science fiction writers of the 20th century, defined love in his novel Stranger in a Strange Land as the point of emotional connection which leads to the happiness of another being essential to one's own well being. This definition ignores the ideas of religion and science and instead focuses on the meaning of love as it relates to the individual.

i thought she knew.

i just ssssooo love my bg music. its been bugging my head for days. kaya ayun! bg music ko tuloy. ganda nung song diba? sumagot!
well, im finished editing my blog skin (again!). im pretty contented naman about the final look. got to go to sleep. ive got a long class tomorrow! :)

Sunday, July 13, 2008

tonight is the night.

actually matagal ko ng gustong isulat ang issue na to. higschool pa lang ako. pero kasi kulang ako sa ebidensya at the same time tinatamad pa ko. pero kaya ko to gustong iblog ay dahil sa mga natatanging rason: i know some of them. and i just want to help.
being a slut is not a natural born talent. na-aadopt yan. naiimpluwensyahan yan. at sadyang nagkakaron yan. in other words, it's your own choice if u want to be a bitch or a slut. simple as that. sa totoo lang, naalibadbaran ako sa mga tao especially girls na mahilig mag-imply na, "im a bitch." "slut ako." i mean? what for? nag-aaral ka pa, malandi ka din pla. para saan? nag-earn ka pa ng bachelor's degree kung ganun kababa naman pla ang gusto mong tingin ng tao sayo. ang babaw. sobra. destroying serious relationships, tapos kaw din yung iiwanan? sinong mukhang tanga? sino nawalan? yung inagaw mo ba? ung inagawan mo? ang tanga mo na kung ang taas pa rin ng tingin mo sa sarili mo. hindi TALENT yan. kalibugan yan. sa totoo lang, yung mga kilala kong ganyan, hindi naman kasumpa sumpa ang itsura. kung wala naman kaganda ganda, tang ina panghihinayangan pa ba yun? hindi e. kagaga-ganda pang mga babae e. i mean, hindi ko kasi maintindihan kung bakit? namihasa ka na lagi kang pinapansin kaya kung kelan gusto mong umeksena, ganun na lang yun.
eto lang yun, hindi sa magpakabait ka. wag mong hintayin na lahat ng tao, ganung kababa ang tingin sayo, if mangyari yun, tago ka na sa compound niyo. kaya mong umangat ng sarili mo lang. kaya mong umangat ng hindi nanabla ng ibang tao. hindi kulang sa atensyon ang sakit mo, DESPERADA.

hapi bday aivi :)

happy 17th bday aivi :)
july 12, 2008

plans plans plans.

naku! dami ko plano this year! travel and tours ang drama ko this year. watch out! haha. tapos hindi natuloy noh? see the places:


  • divisoria! first time in my 18 years of existence. makakapunta na kong divisoria! woohoo.
  • ek with the bs's. naku! matuloy sana to mga BS!
  • baguio with my batchmates. super fun! road trip.
  • quezon escapade. gugudin ang mga razon!
  • splash island adventure! pero parang next year pa to. tsk tsk tsk.

can i go to them in just a year? god!

political terms.

hindi naman ako sanay magsulat tungkol sa politika. marami akong opinyon at marami ding productive insights, pero hindi ko talaga kayang magsulat tungkol dito. sa school pag eto ang topic, nakikinig ako pero hindi ako bakaw sa tanong at hindi ako sawsaw sa mga topics na nauso ngayon. hindi naman sa wala akong ganung alam. kundi, walang kwentang magpalitan ng opinyon kung ikaw sa sarili mo, hindi mo na nman gagawin. sinasabi mo lang ba yan para magmukha kang matalino o sinasabi mo lang yan dahil yan ang gusto mong gawin. you make your choice.
pero bakit naisipan kong eto ang topic, simple lang. wala akong maisip na topic :) haha! biro lang nman kaibigan. eto yung naisip ko this time kasi feeling ko sasabog na ko sa impluwensya ng prof kong hindi ko alam kung gusto bang magsimula ng rebolusyon o mahilig lang talagang mag-share. kung anu man ang gusto niya, full support ako. to start:
REAL CAUSE OF POVERTY. anu nga ba ang totoong dahilan bakit tayo naghihirap? o naghihirap nga ba tayo? in any other way, ang sagot. may kahirapan pa rin. from a very reliable source hindi naman talaga tayo naghihirap. sisihin niyo man ang overpopulated kuno, graft and corruption daw. pero ang totoo? uneven distribution of resources. bakit uneven? and please justify my answer. ganto lang yan kaibigan. malakas tayo sa HUMAN RESOURCES. versatile naman tayo e. kahit saan mapapagtrabaho mo ang pinoy. mayaman din naman ang NATURAL RESOURCES natin. sa negros, maraming asukal. at sa iba't ibang parte ng pilipinas. pero bakit ganun pa rin? parang wlang progress. uneven in a way, na ang 15% na mayayaman at malalakas na tao ay nagpapakasasa sa 85% ng resouces natin. and the other 85% na population nagpapakahirap sa 15% na resources natin. see the uneven side? :) hindi ko din naman sigurado if this is applicable. just a matter of opinion and suggestion.
sa tingin mo, alam ng maraming tao to? hindi. kasi kung alam nila. gagawa sila ng paraan.
ehem! matamaan ka naman!!

Saturday, July 5, 2008

after a few days.

tagal na nung huli kong post. 3 days ago pa. feeling ko nga andami kong ikkwento pero hindi ko makwento. that's life. these days andami kong natutunan. (feeling ko lang!) and andami kong naiisip. (feeling ko lang din!) kontratista. so here it goes:
LESSON #1
nalaman ko na it takes time to build a real friendship. real. hirap i-attain nun. pero through trials, even yung mga away niyo, naku! don't disregard it. makakatulong yun for something na makeep niyo forever. sabi ko noon, nung magcollege na ko, feeling ko hirap mag-adjust lalo na pag yun na yung mga taong iiwan mo yung nakasanayan mong makasama. syempre, no. one worry mo.. makikisama ka na naman. pero diba sa mga distant moments niyo nalalaman kung gaano kayo ka-faithful sa isa't isa. :)
LESSON #2
tyempuhan ang mga prof na ubod ng galing sa PLMun. siguro sa tanang ng pagiging 2nd year ko, twice pa lang ako humanga sa prof ko. una, kay sir bio scie ko. hindi ko lam kung anu name niya pero iba to si sir. IBA!! and second, si sir johnny (babala:hindi niya tunay na pangalan). ewan ko ba kung bakit sir johnny ang binansag ni carlo dito sa prof kong ito. pero dito hanga ako. basic economics namin siya. pero bibilib ka sa way ng pagtuturo niya, kahit na siesta time ang time niya samen, sa tanang ng buhay ko.. dito lang ako naganahan pumasok! well, second na lang si sir montojo! haha. nung naglesson nga kami, naiinis daw siya sa mga estudyanteng kumukuha ng mga BS Biology.. BS Physics. ganung mga course. pano daw kasi.. "putang ina mo ka. kuha kuha ka ng physics chemistry na yan. pa-boyle's law boyle's law ka pang damuho ko. e yung electricfan hindi mo magawa!" get the point? :)
LESSON #3
na habang tumatagal ang isang relasyon, mas nawawala ang kahihiyan sa isa't isa. haha! wala lang. share ko lang! :)

Wednesday, July 2, 2008

im craving for more.

just saw this line of books sa nbs. haaay naku. kaasar. sa dami dami ng librong nabasa ko, ang kay paulo coelho pa rin ang lagi kong inaasam! mahal naman kasi. hindi man lang magmura kahit bente! pero seriously, dami pa ko gustong bilin! sssoooobrang dami pa! hindi lang yan! haha.. share ko lang baka may mabait na anghel na ibili ako kahit isa man lang! (may matamaan sana!)
anyway. JULY na! bilis. parang kailan lang e. kakaumpisa ng May tas ngaun July na.. baka paggising ko may asawa na ko! (which is wag naman sana!) lapit na birthday ni mama sarah! share ko lang! anu pa ba? wala naman ako masyadong ikkwento. pero may gusto akong ishare!