Saturday, July 26, 2008

poll result.

due to excessive public demand, PERSONAL LIFE daw ang topic today. pano ko ba sisimulan..

personally, hindi ako talaga madaldal. outlet ko lang tong blog sa mga unsaid feelings and emotions. minsan kasi kahit gaano mo siya ka-gusto sabihin, may naghoholdback pa rin sayo diba. ganun ung feeling ko lagi. kahit gusto kong magsalita, hindi pa rin kaya. hindi naman siguro sa taong sasabihan ko, pero kasi pag ako nagsabi sayo.. be proud if it! kasi matagal kong pinagisipan kung sasabihin ko ba talaga sasabihin sayo un! so ayun nga. (ate gila kaw ba yan?)

pano pa bang personal ang sasabihin ko?

sa totoong buhay, masama talaga ang ugali ko. masama in a way, na pag may pagkain ako at gustong gusto ko yung pagkain ko, hindi kita bibigyan kahit sino ka pa. masama in a way, na pag ayaw ko sayo, papakisamahan pa rin kita pero bitter na din. masama in a way, na pag hindi ko gusto yung ugali mo, hindi mo rin magugustuhan ugali ko sayo.

pero mabait din naman ako, feeling ko nga mas mabait ako kaysa sa masama ang ugali ko ;) i don't want to elaborate more kasi baka maging angel ako neto sa sobrang good.

personal everyday life?

tamad akong pumasok. lalo na ngayon na halos puro tanghali ang klase namin. sooooobrang tamad ako pumasok. ang nanay ko ang piping saksi sa katamaran ko.

i drink 2 bottles of mineral water every morning. hindi ako naghihilamos pagkagising ko. sa pc agad ako pupunta. pagkatapos nun, hihilata. manunuod ng wowowee. mag-aalangan kung papasok pa ba o hindi na. pag nakapagdecide na tsaka pa lang kikilos.

jergens ang sabon ko at pantene ang shampoo ko, palmolive ang conditioner ko. hindi ako naglolotion. hindi din ako nagdeodorant. chichi sapil ang pabango ko. careline ang concealer ko, galing kay kat ang blush on ko (ewan ko kung san niya nakuha yun. galing pa daw ng probinsya). avon ultra mositure rich na kulay pink icing ang lipgloss ko. avon na kulay brown ang bonggang bongga kong eyeliner. enchateur ang pulbo ko.

ang bag ko sa school ay sponsor ng secosana. ang wallet ko ay nakuha ko lang sa drawer ng nanay ko. ang notebook ko ay binder ng stradmore. ang sapatos ko sa school ay mario d boro. hindi ako nagmemedyas o nag-foot cover.. naiinitan kasi ako.

sa bahay namin, ang trabaho ko lang ay magcomputer. gumawa ng assignment ng uber tamad at mabaho kong kapatid na lalaki. maghugas ng pinggan na minsan ko lang gawin. magwalis ng kusang loob. at manuod ng el cuerpo. ang sumobra pa dun.. baka may topak ako kaya ko ginawa un.

sa friends.. hindi ako ganung kakulit. hindi din naman ako ganung katahimik. SAKTO LANG. soooobrang minsan lang ako manlibre. pag alam kong may pamasahe ako pauwi at panload, lilibre kita. pero pag wala, lumuha ka man ng asin, hindi talaga kita ililibre. pag masama loob ko sayo, hindi talaga kita papansinin or either babarahin kita o sasabihan kitang, "lumayo ka nga saken, wala akong mood sau." natawa tuloy ako. ganun. pag naman alam kong may kasalanan ako sau, uutuin kita hangga't kaya ko pero pag ayaw mong magpa-uto tsaka palang ako magsorry. hahah! pag may kasalanan ka naman saken, hahah.. madali lang naman akong magpatawad. libre mo lang ako, ayos na saken un.. na may halong pahirap ng mga 4 na oras na pagmumukang tanga. joke lang naman.

anu pa.. pag may kaaway naman ako, ewan ko lang. hindi ko kilala sarili ko pag may kaaway. ang feeling ko lagi gusto wasakin buhay niya. hahah! mahaba naman pasensya ko, so.. sobrang dalang akong magka-kaaway at sobrang sama ng ugali niya, or sobrang sama ng ginawa niya saken if ever abot hanggang inner core kaya. SOBRANG MINSAN lang.

if hindi kayo kuntento sa mga pinagsasabi ko, COMMENT KAU! pede naman e.. diba.. heheh..

No comments: