hay! wala na kong maisip na ipost. wala naman din akong maikwento. wala din akong maishare. anung gagawin ko? hahaha! magmamala-diary na naman ako neto. ok fine.
these week? anu bang nangyari? nung sunday to tuesday, mejo mahina ang pangangatawan ko. ewan ko kung bakit kaya hindi ako nakapasok sa aming unibersidad. 2 araw din un. haha! ayun nga ang nangyari. tapos wednesday, mejo ayos na ko. kaso wala naman kaming pasok! haha! swabe naman. tapos nung thursday, pumasok na ko, mejo namiss ako ng mga BS's kasi dami nilang chikas pagdating ko :) nung friday, napakasarap ng buhay namin dahil instead na whole day kami ay naging isang subject nalang! nagmeeting kasi ang mga lupon ng aming departamento kaya ayun. stuck up ang klase. na nagresume naman ng 530. shet! chem namin yun. may itatanong lang ako, naramdaman niyo na ba ung pagkakataon na kahit anong gawin niyong pakikinig sa propesor niyo ay hindi niyo parin maintindihan yung sinasabi niya?? yung mga tipong "the ionic bonds will collide and then will be gaining another new element that formulate isotopes and ions." gawa gawa ko lang yan. hindi niya talaga sinabi yan. pero seryoso, halos hindi na nga ako kumurap sa mga sinasabi niya pero parang ayaw ng mga brain cells ko na iabsorb ung mga tanginang isotopes and ionic bonds na yan. ako ba may problema o siya? pagkatapos ng madugong pakikipagsapalaran ko sa chem namin ay nagpasalamat ako sa mga nakakataas na hindi pa naman ubos ang dugo ko sa katawan. hindi nman siya nakagawa ng clotting o pamumuo ng dugo sa utak ko at iba pang bahagi. napagkasunduan namin na sumabay sa classmate naming my pimp my ride para naman makatipid kami sa pamasahe. sarrap! pero bago kami umuwi ay nanuod muna kami nung mga COCC sa ROTC namin, tinuturuan kasi sila ng mga manuever. kaya, napagkatuwaan kong manuod. nakakamiss din pala noh. kahit na nung highschool officer ako ng CAT, hindi ko pa rin masasabi na mahirap. masaya kaya! haha. ngayon ko lang naisip yung sinabi ni sir ochie na, "hanap-hanapin niu din ang CAT sa MMGPS." tama!! hahaha.. sarap maging highschool! woooh! tapos umuwi n ko at namahinga! hahaha!
yan lang muna for now. na-guilty lang ako kasi yung last post ko nung tuesday pa. soooo.. bbye.. tooodles!
2 comments:
wow nice lending of insights from your experiences! keep going...
thanks! :) and continue visiting my site. stay safe!
Post a Comment