hindi naman ako sanay magsulat tungkol sa politika. marami akong opinyon at marami ding productive insights, pero hindi ko talaga kayang magsulat tungkol dito. sa school pag eto ang topic, nakikinig ako pero hindi ako bakaw sa tanong at hindi ako sawsaw sa mga topics na nauso ngayon. hindi naman sa wala akong ganung alam. kundi, walang kwentang magpalitan ng opinyon kung ikaw sa sarili mo, hindi mo na nman gagawin. sinasabi mo lang ba yan para magmukha kang matalino o sinasabi mo lang yan dahil yan ang gusto mong gawin. you make your choice.
pero bakit naisipan kong eto ang topic, simple lang. wala akong maisip na topic :) haha! biro lang nman kaibigan. eto yung naisip ko this time kasi feeling ko sasabog na ko sa impluwensya ng prof kong hindi ko alam kung gusto bang magsimula ng rebolusyon o mahilig lang talagang mag-share. kung anu man ang gusto niya, full support ako. to start:
REAL CAUSE OF POVERTY. anu nga ba ang totoong dahilan bakit tayo naghihirap? o naghihirap nga ba tayo? in any other way, ang sagot. may kahirapan pa rin. from a very reliable source hindi naman talaga tayo naghihirap. sisihin niyo man ang overpopulated kuno, graft and corruption daw. pero ang totoo? uneven distribution of resources. bakit uneven? and please justify my answer. ganto lang yan kaibigan. malakas tayo sa HUMAN RESOURCES. versatile naman tayo e. kahit saan mapapagtrabaho mo ang pinoy. mayaman din naman ang NATURAL RESOURCES natin. sa negros, maraming asukal. at sa iba't ibang parte ng pilipinas. pero bakit ganun pa rin? parang wlang progress. uneven in a way, na ang 15% na mayayaman at malalakas na tao ay nagpapakasasa sa 85% ng resouces natin. and the other 85% na population nagpapakahirap sa 15% na resources natin. see the uneven side? :) hindi ko din naman sigurado if this is applicable. just a matter of opinion and suggestion.
sa tingin mo, alam ng maraming tao to? hindi. kasi kung alam nila. gagawa sila ng paraan.
ehem! matamaan ka naman!!
No comments:
Post a Comment